Wednesday, February 8, 2012

Excited.

Hay. Sana lang hindi ito matuloy.
Pero hindi ito yung kinaeexcited ko.
Fieldwork na namin sa Baguio.
Wala lang. I am so happy. Sana makakita ako doon ng mga murang gulay.
Gusto ko maglutooo. Sana may energy pa ako magluto. HOHO.
Masarap naman ako magluto e. ATA.
Ohwell. Overnight bukas sa NIGS tapos the next day, departurrrrrrrrrrre.
Mamimiss ko yung mga kapatid ko. Pati yung kapatid ko. :>
Syempre, nung nagfield nga sila namiss ko e.
Kasi ako loving akong tao. HOHOHO.
Pero bukod doon, yung iba kong mga kaibigan namimiss ko na rin. :(((
Sana matuloy yung celebration. :O
HUHUHU. Miss ko na adviser ko.
Naalala ko, ang napansin namin sa kanya, isa siya sa mga taong bored sa buhay niya.
Ngunit nakakubli sa kanyang mga halos-inaantok na mga mata ay isang taong napakatalino,
hindi lamang sa acads, pati na sa buhay. Hindi siya nagbibigay ng usual na "Good job" o "Do better next time". Nagbibigay siya ng mga personal na mga comments sa mga performances namin sa school. Isang patunay na magaling siyang adviser. Hindi man ito ramdam ng iba, o niya mismo, ngunit, mataas ang respeto ko sa taong ito. Isa ito sa mga taong pwedeng kausapin tungkol sa buhay, kung gusto mo ng makakausap, o makikinig lang, magaling siya don. Kung hindi lang siya busy. :)) Pero laki ang pasalamat ko sa taong 'to, isa siya sa mga impluwensya sa buhay ko, hindi directly pero marami na siyang nasabi na nakakatuwang pag-isipan, pagbulayan at iba pa. Isa siyang definite na AWESOME TEACHER.

Naging parang SET na ata tong post na itooo. :)

No comments:

Post a Comment