Hindi mo palagi nakukuha ang gusto mo. Pero hindi mo kailangan maging malungkot dahil hindi mo nakukuha ang gusto mo. Nasa iyo naman kung gusto mo maging masaya eh. Hindi lang naman ang gusto mo ang magpapasaya sa iyo. Minsan, nakakalimutan lang natin ang mga simpleng bagay na nagpapaligaya sa atin. Kapag na wala na lang sila, saka natin nakikita kung gaano kaimportante ang mga iyon sa buhay natin. Huwag gaanong pagtuunan ng pansin ang mga problema. Masasagot din sila, maghintay ka lang. At ang mga hindi mo makuha? Naging masaya ka naman nang wala ang mga iyon, hindi ba? Pwes, kaya mo ring maging masaya ulit kahit na wala ang mga iyon.
At ang mga kaibigan, importante ang mga iyan. Huwag mo silang talikuran o pagisipan ng masama. Kung may ginawa man silang hindi mo ikinatuwa, hindi naman nila siguro intensyon na saktan ka. Kung ganoon nga ang intensyon nila, hindi mo talaga sila dapat na ituring na kaibigan. Kung pinagiisipan mo naman sila ng masama, anong klaseng kaibigan ka? Hindi mo sila pinagkakatiwalaan pero sila pinagkakatiwalaan ka? Masama kang kaibigan kung ganoon.
At ang pinaka importante siguro ay kaya mong gawin ang lahat. Nasa sa iyo lang kung gagawin mo o hindi. Ikaw ang bahala sa buhay mo. Tandaan mo lang din na "It is our choices, not our traits, that make us who we are.". Kaya ang payo ko sayo, huwag kang matakot. What does not kill us, makes us stronger. After all, we learn from our mistakes. Kapag palagi tayong nagkakamali, marami tayong matututunan at magagamit natin iyon sa ibang bagay. Experience is the best teacher. At kung masakit man ang iyong pagkakamali, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Dahil kapag wala nang pagasa, hindi natin alam kung may bagyo.
NGEEE!!!!!
Ang korny ko. Mamatay na lahat ng korny.
Sunday, August 5, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment